Bakit ABM?

First na inalam ko bago ako pumili ng strand is yung course ko talaga. Noong panahon na iyon wala akong second choice na maituturing. Talagang HRM na ang gusto ko. Kaya nagtanong tanong ako sa mga teacher ko galing sa Junior high school na paaralan ko. That time talagang ABM ang recommended nila sa akin kaya ako nandito without knowing na may HE strand pala which is more related sa HRM. Pero sa dalawang taon kong ginugol bilang ABM student masasabi kong wala akong pinagsisisihan. Kasi napaka flexible ng strand na ABM. Earning enough pagdating ng mga taon, ikaw na mismo yung mamamahala ng negosyo mo. Unlike na kukuha ka pa ng iba without feeling secure. At pagminahal mo yunf ABM Strand maraming courses ang open sato sa college. Advice ko lang is huwag matakot sumubok na kunin tong ABM strand dahil tunog math na agad unang bungad palang diba? (ACCOUNTANCY, Business & Management) Kasi we will grow kung hindi natin uunahin yung takot. Ako nga I HATE MATH pero ngayon patapos na ang journey ko ng Senior High. Huwag nating isipin kung matatapos natin, isipin natin kung may courage ba tayong simulan ang isang bagay kasi yung courage natin na yon kahit gaano kaliit, yun yung mag da-drive satin para masimulan yung isang bagay na gusto nating ma-achieve.

By: Yvhonnica P. Dionisio
March 9, 2019

ABM student ako!

Uumpisahan ko ito sa pag kukwento ng aking karanasan bilang isang ABM student. Una pinili ko itong strand na ito hindi dahil gusto at pangarap ko ito. Naging praktikal ako sapagkat naisip kong maraming oportunidad na makukuha kung baga walang tapon sa lahat ng matututuhan dito. Hindi ko talaga hilig ang math subject ngunit simula nang pasukin ko ito kinaya ko na at nasanay na ako. Mahirap lamang ito sa umpisa dahil karamihan ay walang ideya sa kung papaano ito tatakbo. Hanggang sa tumagal na at nagustuhan na namin ang aming ginagawa.

Mahirap, madugo at masakit sa ulo ilan lamang sa kadalasang maririnig sa ibang tao. Oo, naniwala ako at natakot na baka hindi ko ito kayanin. Ngunit habang tumatagal minahal ko na ang strand na ito. Walang duda na ginagawa ko at nagagawa ko ang mga bagay na noo’y kinakatakutan at ayaw ko. Nahasa kami dahil sa mga guro at mga kamag aral na nag tutulungan.

ABM student ako at taas noong ipag mamalaking nakaya at kakayanin ang mga pag subok sa araw-araw. Patuloy na mag sisikap upang umangat sa buhay. Huwag matakot at ilabas ang tunay na talento.

By: Cecilia Aquino
March 9, 2019

ABM is life

Hello ABM students


Naisip kong mag ABM dahil isa ito sa mahirap pagaralan na strand at gusto kong matutunan ang bawat sitwasyon dito. Nagsimula ito dahil sa kagustuhan kong sumunod sa yapak ng aking magulang na mayroong negosyo at gusto kong ituloy ito para makatulong sa kanila at sa tingin ko susi ito para sa ikabubuti ng aking buhay. Maraming pagsubok ang pagdadaanan mo pero ginawa ko tong daan para malagpasan ito at nagsilbi itong opotunidad para malaman ang nakapaloob dito.

It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.

By: John Conrad Atadero
March 9, 2019

Design a site like this with WordPress.com
Get started