Blog



Bakit ABM?


First na inalam ko bago ako pumili ng strand is yung course ko talaga. Noong panahon na iyon wala akong second choice na maituturing. Talagang HRM na ang gusto ko. Kaya nagtanong tanong ako sa mga teacher ko galing sa Junior high school na paaralan ko. That time talagang ABM ang recommended nila sa akin kaya ako nandito without knowing na may HE strand pala which is more related sa HRM. Pero sa dalawang taon kong ginugol bilang ABM student masasabi kong wala akong pinagsisisihan. Kasi napaka flexible ng strand na ABM. Earning enough pagdating ng mga taon, ikaw na mismo yung mamamahala ng negosyo mo. Unlike na kukuha ka pa ng iba without feeling secure. At pagminahal mo yunf ABM Strand maraming courses ang open sato sa college. Advice ko lang is huwag matakot sumubok na kunin tong ABM strand dahil tunog math na agad unang bungad palang diba? (ACCOUNTANCY, Business & Management) Kasi we will grow kung hindi natin uunahin yung takot. Ako nga I HATE MATH pero ngayon patapos na ang journey ko ng Senior High. Huwag nating isipin kung matatapos natin, isipin natin kung may courage ba tayong simulan ang isang bagay kasi yung courage natin na yon kahit gaano kaliit, yun yung mag da-drive satin para masimulan yung isang bagay na gusto nating ma-achieve.



By: Yvhonnica P. Dionisio
March 9, 2019

ABM student ako!

Uumpisahan ko ito sa pag kukwento ng aking karanasan bilang isang ABM student. Una pinili ko itong strand na ito hindi dahil gusto at pangarap ko ito. Naging praktikal ako sapagkat naisip kong maraming oportunidad na makukuha kung baga walang tapon sa lahat ng matututuhan dito. Hindi ko talaga hilig ang math subject ngunit simula nang pasukin ko ito kinaya ko na at nasanay na ako. Mahirap lamang ito sa umpisa dahil karamihan ay walang ideya sa kung papaano ito tatakbo. Hanggang sa tumagal na at nagustuhan na namin ang aming ginagawa.


Mahirap, madugo at masakit sa ulo ilan lamang sa kadalasang maririnig sa ibang tao. Oo, naniwala ako at natakot na baka hindi ko ito kayanin. Ngunit habang tumatagal minahal ko na ang strand na ito. Walang duda na ginagawa ko at nagagawa ko ang mga bagay na noo’y kinakatakutan at ayaw ko. Nahasa kami dahil sa mga guro at mga kamag aral na nag tutulungan.


ABM student ako at taas noong ipag mamalaking nakaya at kakayanin ang mga pag subok sa araw-araw. Patuloy na mag sisikap upang umangat sa buhay. Huwag matakot at ilabas ang tunay na talento.




By: Cecilia Aquino
March 9, 2019

ABM is Life


Hello ABM students
Naisip kong mag ABM dahil isa ito sa mahirap pagaralan na strand at gusto kong matutunan ang bawat sitwasyon dito. Nagsimula ito dahil sa kagustuhan kong sumunod sa yapak ng aking magulang na mayroong negosyo at gusto kong ituloy ito para makatulong sa kanila at sa tingin ko susi ito para sa ikabubuti ng aking buhay. Maraming pagsubok ang pagdadaanan mo pero ginawa ko tong daan para malagpasan ito at nagsilbi itong opotunidad para malaman ang nakapaloob dito.


It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.



By: John Conrad Atadero
March 9, 2019

What is ABM ?


This strand focuses on learning the basic concepts of business and learning associated skills in other related fields like finance, management, corporate and operations. When we’re talking about ABM surely it is all about Math and how to handle or manage the business, marketing or else. ABM Strand is not really my first choice but when I saw a small description about ABM there is something that encourage me to took this track and here it is, I’m studying this preparatory course for my college degree. Though I’m afraid because suddenly appear the different thoughts comes up in my mind, many what ifs, what if I can’t make this, what if I can’t understand the lesson, and don’t know how to analyze the solving problem. But its just temporary questions, because when you start to learn about this subject you will start to love this subject as well. Now, I am here to motivate each student who’s able to enroll this strand or student who still undecided for what strands to take, ABM can help you to grow individually as a youth grown to a Man and Woman. Because this strand is not focuses only for solving problem but also to manage and communicate others. It will help you to develop your communicating skills.

By: Rachell Enero
March 9, 2019


ABM Challenge

ABM, Isang strand na akalain mong madali pero mahirap, maraming proseso, maraming mga pagsubok na kailangan mong kaharapin. Ang ABM Strand ay hindi madali kumpara sa ibang strand dahil, may mga pagsubok sa mga math na papaikutin ka pa pero ang proseso ay madali lang, naalala ko noon nung sa aming accounting na, pinaikot ikot ako ng mga tanong ngunit ganoon pa rin pala ang proseso ng pag sosolved ng mga problems. Ang natutunan ko sa strand na ABM ay “Wag kang susuko,” “Wag mong kabisaduhin ang pag sosolved ngunit, suriin mabuti ang mga problema” eto ang natutunan ko kay Sir. Erwin at para sa akin ang pagiging ABM ay hindi para sa mga taong madaling sumuko bagkus matutong paano maging maparaan sa buhay. Ang pinaka masarap sa ABM ay yung mabalance lahat ng mga na compute mo. Bakit ko ba pinili ang ABM? Pinili ko ang ABM sapagkat, maraming mga oportunidad, matututo kang makibagay, matututo kang maging disiplinado at determinado

By: Helen Visaya
March 9, 2019

Design a site like this with WordPress.com
Get started